NEWS
MAYNILA — Nasungkit ng Pilipinas ang pwestong third-runner up sa ginanap na Reina Hispanoamericana 2021 pageant sa Bolivia.
Sa kanyang Instagram story, nagpasalamat si Vera sa suportang kanyang natanggap.
"Pilipinas, we did it! Maraming salamat sa mga sumuporta, sa lahat ng pagmamahal na ibinigay niyo sa akin." aniya.
Dagdag pa ni Vera, hindi na siya makapaghintay na bumalik sa bansa.
"By the grace of God and with the loving support of my country, we're here, we made it, and I hope I made you proud! That was my only goal. To make my country proud."
Binati naman ng Miss World Philippines Organization si Vera at pinasalamatan si Miss Dominican Republic sa pagtatranslate ng sagot nito noong Q&A portion.
"Congratulations to our very own Emmanuelle Vera (@emmanuellevera) for placing as Tercera Finalista (3rd Runner-Up) in the Reina Hispanoamericana 2021!" pahayag nila.
"We are so proud of you! You represented our country very well. Thank you for raising the flag of the Filipinas. Mabuhay ka! " dagdag pa nito.
Samantala, si Andrea Bazarte ng Mexico ang nakasungkit ng titulo at nakakuha ng korona.
Sanggunian: Philstar Life
Kuha ang larawan mula sa Facebook page ng Miss World Philippines Organization
Ibinalita ni: Rickie Cathleen Javier
Like