MAYNILA — Dinagsa ng mga nais bumisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay ang sementeryo bago ito isara sa panahon ng undas.
Matatandaang una nang isinagawa ang pagsasara ng mga sementeryo noong Undas 2020 upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Ayon sa Manila Police District, higit sa 20,000 katao ang bumisita sa Manila North Cemetery ngayong linggo.
Sa pagpasok sa mga sementeryo, kinukuha ang pangalan ng bibisita, cellphone number, at ipinapakita rin ang mga vaccination card.
Dahil sa pagdagsa ng mga bumisita sa sementeryo, nagdulot din ito ng pagbigat sa daloy ng trapiko sa skyway patungo sa Manila Memorial Park.
Sanggunian: ABS-CBN News
Kuha ang larawan mula sa ABS-CBN News
Ibinalita ni: Paula Ross Alarcon