Masayang ibinahagi ng aktres na si Ina Raymundo sa kanyang Instagram (IG) post ang larawan ng kaniyang anak na si Jakob Portunak dahil nagawa nitong mapabilang sa Xavier University's Baseball Team sa United States.
Ayon sa kanya, isa raw ito sa mga resulta ng ilang taong pagtitiyaga at dedikasyon ng kanyang anak upang makamit ang matagal na nitong mithiin.
"My son is now officially a Xavier Musketeer. To be playing D1 College Baseball is one of the best achievement s in your life, Jakob, We are so proud of you", saad niya sa kanyang post.
Dagdag pa niya, hindi magiging posible ang lahat kung wala ang 101% suporta ng ama nito. Isa siya sa mga naging saksi ng magandang samahan ng dalawang team kasama ang coach nito na si coach Alex.
"Thank you Lord, for orchastrating all these blessings", saad ni Reymundo.
Matatandang noong Agosto, ay nagsimula nang magkolehiyo ang bunsong anak nitong babae na si Erica Rae sa U.S at di kalaunan ay tinanggap na rin na mag-aral sa Berklee College of Musician matapos itong magtapos ng High School noong nakaraang taon.
Agad naman itong pumirma sa isang Local Talent Agency Cornerstone Entertainment.
Sangunian: ABS-CBN NEWS
Kuha ang mga larawan mula sa ABS-CBN NEWS
Ibinalita ni: Jessica Carpina
Comments