MAYNILA – Muling magtatanghal sa entablado ang mga karakter ng Full House Theater Company's Ang Huling El Bimbo sa ika-10 ng Disyembre sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.
Kinumpirma ng co-artistic director na si Michael Williams na ang live concert ay pangungunahan pa rin nila Gab Pangilinan, Tanya Manalang, Reb Atadero, Bibo Reyes, Phi Palmos, Vic Robinson, Gian Magdangal, OJ Mariano, Carla Guevarra Laforteza, at Shiela Francisco.
Ito ay ang kauna-unahang theatrical performance na may live audience sa Metro Manila matapos magsara ang mga teatro noong Marso 2020.
Sa ngayon ay pinag-uusapan pa ang posibleng maging seating capacity, ngunit ang mga fully vaccinated na indibidwal lamang ang papayagang manood. Mahigpit ding ipatutupad ang pagsusuot ng face masks.
Bilang karagdagan, kinakailangan nilang ipakita ang kanilang tiket, kasama ang kanilang vaccination card at government ID.
Bukod sa gaganaping live concert, maaari rin itong mapanood sa isang virtual livestream sa ktx.ph.
Sanggunian: Theater Fans Manila
Kuha ang larawan mula sa Full House Theater Company
Ibinalita ni: Rickie Cathleen Javier
Comentarios