top of page
Writer's pictureThe Cavite Beam Gazette

PAGHAHANDA SA PAGBABALIK-ESKWELA SA LUNGSOD NG IMUS, INILATAG

IMUS, CAVITE – Nakilahok ang Gov. DM Camerino Integrated School sa National Pilot Implementation ng face-to-face classes ngayong Disyembre 6.


Alinsunod sa mga alituntunin ng DepEd, ito ay limited face-to-face classes lamang: 12 na mag-aaral mula sa Kindergarten at 16 mula sa Grade 1 hanggang 3 Ang papapasukin sa mga paaralan. Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa dalawang batch na magsasalitan sa face-to-face classes at online o modular learning.



“Nagpapasalamat po tayo sa ating mga kasama sa DepEd Imus para sa masinsinang kooperasyon sa ating Pamahalaang Lungsod para mapili ang ating paaralan bilang isa sa mga kalahok dito.” pahayag ng alkalde ng lungsod ng Imus.


Samantala, kasabay ng nasabing paaralan ang nasa 177 na iba pa sa buong bansa na napili ng DepEd na magsasagawa ng National Pilot Implementation ng face-to-face classes.


Sanggunian: Facebook page ni Mayor Emmanuel Maliksi

Kuha ang larawan mula sa Facebook page ni Mayor Emmanuel Maliksi


Ibinalita ni: Paula Ross Alarcon

34 views0 comments

コメント


bottom of page