Hiling ng maraming pasahero ang pagkakaroon ng karagdagang mga sasakyan na magbabyahe sa EDSA Busway para sa mabilisang transportasyon patungo sa kanilang pinagtatrabahuan.
Sang-ayon ang ilang pasahero na napapanahon nang madagdagan ang bilang ng mga katao na maaaring makasakay sa mga bus at iba pang PUV.
Ayon sa kanila, ang pagpapatupad ng 50 percent capacity ay malaking tulong. Dagdag pa ng ilan, maaaring makabawas sa perwisyo na dulot ng mahabang pagpila sa mga pambublikong sasakyan. Gayunpaman, hindi parin dapat mawala ang social-distancing sa bawat pampublikong sasakyan.
Ngunit apela naman ng iba, hindi pa ito ang tamang panahon dahil kinakailangan paring isa-alang-alang ang kaligtasan ng mga tao laban sa pandemya. Marapat pa ring umanong manatili ang pagsunod sa panuntunan sa passenger capacity at limitahan na lamang ang paglabas ng mga tao lalo na kung hindi naman ito authorized person.
Sanggunian: ABS-CBN News
Kuha ang larawan mula sa ABS-CBN News
Ibinalita ni: Joanna Mae Anglit
Comments