top of page
Writer's pictureThe Cavite Beam Gazette

70% CAPACITY SA MGA PUV SA METRO MANILA, AT MGA KATABING PROBINSYA, MAGSISIMULA NA

MAYNILA – Simula ngayong Huwebes, Nobyembre 4, tataas na mula sa kasalukuyang 50% hanggang 70% ang papayagang kapasidad ng mga pasahero para sa mga PUVs sa Metro Manila at apat na katabing probinsya nito – Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite.



Ipatutupad na rin sa mga tren ng Light Rail Transit (LRT) 1 at 2, Metro Rail Transit (MRT) 3, at Philippine National Railways (PNR), ang pagtaas ng kapasidad ng mga pasahero mula sa kasalukuyang 30% hanggang 70%.


Sa isang pahayag na inilabas nitong Miyerkules, ipinaliwanag ni LTFRB Chair Delgra na ang pagtaas ng kapasidad na pinahihintulutan ay dahil sa lumalaking pangangailangan para sa mga pambublikong transportasyon habang ang paghihigpit sa quarantine ay nagsisimulang lumuwag at mas maraming negosyo na ang nagbukas muli.


Dagdag pa niya, ang pagtaas ng kapasidad ng mga pasahero ay makakatulong sa pag-iwas sa epekto ng pandemya at ang kamakailang pagtaas ng presyo ng gasolina sa kabuhayan ng mga PUV driver at operator.


Gayunpaman, ang mga sumusunod na hakbang ay mahigpit na ipatutupad sa mga PUV at tren:

• Pagsusuot ng face masks at face shields

• Walang pag-uusap at pagsagot ng tawag sa telepono

• Bawal kumain

• Pagpapanatiling maayos ang bentilasyon ng pampublikong sasakyan

• Pagsasagawa ng madalas na pagdidisimpekta

• Walang mga pasaherong may sintomas ng COVID-19 ang papayagang pumasok sa pampublikong sasakyan

• Pagpapanatili ng physical distancing


Nilinaw din ng LTFRB na hindi na kakailanganin pa ang mga plastic barrier sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, basta’t sundin lamang ng mga pasahero ang tamang physical distancing at iba pang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


Sanggunian: Inquirer

Kuha ang larawan mula sa Inquirer


Ibinalita ni: Joanna Mae Anglit

8 views0 comments

コメント


bottom of page