MANILA, Philippines — Sa halos 19 buwan, ang Metro Manila ay magiging malaya na sa 'curfew hours' bilang tulong sa pagkontrol ng ekonomiya at pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa lugar.
Ang bisa ng nasabing dokumento ay magsisimula bukas, Huwebes, ika-4 ng Nobyembre. Nakasaad sa inilabas na resolusyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang pagtatangal ng unified curfew hours sa buong Kamaynilaan na magbibigay luwag sa mga establisiemento na magbukas sa mas mahabang oras, lalo na't kasagsagan ng preparasyon sa darating na kapaskuhan.
Sa kabilang dako, hindi pa rin mawawala ang bisa ng curfew sa mga menor de edad alinsunod sa ordinansa ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Inaanyayaang pa rin na maging responsable at sumunod sa itinalagang COVID-19 public health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks at pagsunod sa physical distancing.
Sanggunian : Rappler
Kuha ang larawan mula sa CNN Philippines
Ibinalita ni: Ace John Herrera
Comments