top of page
Writer's pictureThe Cavite Beam Gazette

DAGDAG PRESYO NG PETROLYONG LANGIS; AARANGKADA NA SIMULA OKTUBRE 19

Simula ngayong Martes, Oktubre 19, ipatutupad na ng mga oil company ang mahigit sa piso nitong itataas para sa oil adjustment.



Kaninang alas sais ng umaga ay parehong nagtaas ng presyo ng gasolina ang Shell, Seaoil, Petron, Petro Gazz, PPT Philippines na may P1.80/L o kada litro ang dagdag presyo.


Samantala, pareho naman ang itataas presyo ng Diesel ng Petro Gazz, PTT Philppines, Shell, Sea Oil, Petron na may P1.50/L o kada litro ang itataas.


Susundan naman ito ng Cleanfuel simula alas-kwatro ng hapon, na may dagdag presyong P1.80/L o kada litro ang itataas ng gasolina. Samantala, ang Diesel ay may P1.50/L o kada litro ang itataas.

Kasabay nito, mamayang hating gabi ay magdadagdag presyo rin ang gasolina ng Caltex Oil Company na may P1.80/L o kada litro ang itataas nito, at ang Diesel ay may P1.50/L o kada litro ang itataas, sinundan naman ito ng Kerosene na may P1.30/L o kada litro ang dagdag presyo.


Matatandaang noong nakaraang linggo, hiniling ng mga transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na itaas sa 12 pesos ang minimum fare sa jeep mula 9, bunsod ng ilang serye ng mga taas-presyo.


Sanggunian: ABS-CBN News

Kuha ang larawan mula sa Philnews


Ibinalita ni: Jessica Carpina


11 views0 comments

Comments


bottom of page