CAVITE — Nakipagtulungan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa National Housing Authority (NHA) upang matapos ang plano para sa housing units na ilalaan sa mga pamilyang apektado ng flood mitigation project.
Ilan sa mga lugar na inaasahang masasagasaan ng nasabing proyekto ay ang lungsod ng Imus at General Trias, pati ang lalawigan ng Kawit, Noveleta, at Rosario.
TInatayang 569 na bahay ang maaapektuhan at ililipat sa 8-ektaryang proposed resettlement site sa Noveleta.
Ang relokasyon ng mga residente ay pormal nang napagkasunduan ng DPWH at NHA, matapos pumirma ng Memorandum of Agreement (MOA), kung saan papayagan ang DPWH na humingi ng suporta, technical assistance, at expert advice mula sa NHA para sa pagbuo ng mga housing units.
Alinsabay din ssa pagbuo ng resettlement site ay ang konstrucksyon ng residential lang development, road and drainage works, laying down of water supply pipelines, embankment and slope protection works, electric posts wiring at iba pang mga pasilidad sa komunidad.
Sanggunian: Manila Bulletin
kuha ang mga larawan mula sa Manila Bulletin
ibinalita ni: Rickie Catheleen Javier
コメント