MAYNILA – Pinasalamatan ni Bise Presidente Leni Robredo ang actress at TV host na si Kris Aquino, nakababatang kapatid ng yumaong dating Pangulo na si Benigno Aquino III, para sa suporta nito sa kaniyang pagtakbo bilang pangulo.
Nitong Miyerkules, nagpasalamat si Robredo kay Kris Aquino sa pamamagitan ng isang Facebook post sa kaniyang personal page, kung saan, ibinahagi ni Robredo ang ilan sa mga larawan ng kaniyang pagdating sa Tarlac kaninang madaling araw.
Bumisita si Robredo sa probinsiya ng Tarlac para sa paglulunsad ng vaccine express program ng kaniyang opisina, ito ay kanilang gagawin para sa komunidad ng mga Aeta sa Capas.
Malugod ang pagsalubong kay Robredo ng anak ni Kris Aquino na si Josh, na sinurpresa bitbit ang mga lobo na may kulay rosas, kulay ng kaniyang kampanya.
Pagtutukoy pa ni Robredo kay Josh "He is a Tarlac resident already."
Mula noong Disyembre 2020, nakabase na sa Tarlac ang anak ni Aquino na si Josh. Nauna na ring ipinaliwanag ni Aquino na ang desisyon ng kaniyang panganay na anak na manatili sa Tarlac ay isang sentimental na desisyon sa kaniyang yumaong lola sa ina na si dating Pangulong Corazon Aquino.
Sa kaniyang post, pinasalamatan din ni Robredo si Kris sa kaniyang "100% na suporta".
Dagdag pa ni Robredo, “PNoy may be gone now but Josh being there really meant a lot."
Matatandaang, si dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III, na pumanaw noong Hunyo ngayong taon, ay isa sa mga pinuno ng Liberal Party (LP), kung saan hinangad at napanalunan ni Robredo ang pagkabise-presidente noong 2016.
Sanggunian: ABS-CBN News
Kuha ang larawan mula sa ABS-CBN News
Ibinalita ni: Joanna Mae Anglit
Comments