Malaki ang posibilidad na ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila base sa pahiwatig ng health authorities at mga eksperto sa kabila ng inaasahang pagbabalik ng bilang ng COVID-19 cases sa pre-delta numbers.
Matatandaang, una nang ibinaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila kasabay ng paglubog ng kaso ng COVID.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 11% ang positivity rate sa Metro Manila habang 17% naman sa national level.
“Before the increase in cases last March and April, we were just averaging in the National Capital Region less than 500 a day. So I think that will be a comfortable number." pahayag niya.
Sakop ng Alert Level 3 ang pagbubukas ng ilang business establishment na maaaring mag-operate ng 30% indoor venue capacity para sa fully vaccinated individuals at 50% outdoor venue capacity naman kung ang lahat ng kanilang empleyado ay fully vaccinated.
Inaasahan ding bababa pa sa 1,000 ang mga bagong kaso kada araw sa pagtatapos ng buwan.
Sa kabila nito, binanggit ni Vergerie na tinitignang basehan din ang healthcare utilization sa pagdedesisyon sa alert levels sa Metro Manila.
Sanggunian: Philippine Star
Kuha ang larawan mula sa The Straits Times
Ibinalita ni: Ace John Herrera
Comments