MARAGONDON, CAVITE – Limang malalayong barangay sa Maragondon ang matutulungan ng MERALCO Electrification Program. Ang mga magiging benepisyaryo ng nasabing programa ay ang barangay Pantihan 2, 3, at 4, San Miguel A, at Layong Mabilog.
Nilalayon ng programang mapalawak ang mga pasilidad ng MERALCO, upang makaabot sa mga liblib na lugar sa mga bayan tulad ng Maragondon.
Tatanggalin sa mga benepisyaryong barangay ang mga bayarin sa proyekto, kabilang ang dokumentasyon gaya ng Zoning Permit, Mayor's Permit, at Certificate of Electrical Inspection (CEI). Ang MERALCO Electrification Program ay isa lamang sa mga proyekto ng Local Government Unit (LGU).
Kamakailan lang, nagpulong ang kinatawan ng power provider MERALCO na si Engr. Francis C. Custodio, kasama rin si Engr. Jay Ar N. Francisco mula sa MERALCO Rosario Business Center, mga opisyal ng barangay na magiging benepisyaryo, at ang alkalde ng munisipalidad na si Maragondon Mayor Reynaldo Rillo.
Sanggunian: PIA Cavite
Kuha ang larawan mula sa Bagong Maragondon
Ibinalita ni: Rickie Cathleen Javier
Comments