top of page
Writer's pictureThe Cavite Beam Gazette

NMP, MULING BUBUKSAN SA PUBLIKO NGAYONG 0KTUBRE 19

MAYNILA — Inanunsyo ng National Museum of the Philippines (NMP) sa kanilang facebook page ang pagbabalik operasyon, matapos ibaba ng IATF sa Alert Level 3 ang sitwasyon sa Metro Manila.



Sa nasabing anunsyo, kinumpirma ng NMP na ang mga taong fully vaccinated lang ang kanilang pahihintulutang pumasok sa museo. Kinakailangan ding magpakita ng anumang pruweba ng pagkakakilanlan, at pagkakaroon ng bakuna bago makapasok.


Bukod dito, kinakailangang magparehistro sa kanilang website na www.nationalmuseum.gov.ph, isang araw bago ang nakatakdang pagbisita, at pagkatapos ay makakatanggap ng booking confirmation sa email.


May dalawang sesyon na maaaring pagpilian ng mga nais bumisita sa museo. Una ay alas-nuwebe ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali, at ikalawa ay mula ala-una hanggang alas-kwatro ng hapon.

100 katao lang ang papayagan kada sesyon, at mahigpit na ipapatupad ng NMP ang mga protokol gaya ng pagsusuri sa temperatura, at pagfill-up sa mga health declaration form gamit ang StaySafe app bago makapasok sa loob.


Mahigpit ding ipapatupad sa loob ng museo ang pagsusuot ng face masks, at face shields, maging ang pagsunod sa social distancing.


Sanggunian: Philstar Life

Kuha ang larawan mula sa National Museum of the Philippines


Ibinalita ni: Rickie Cathleen Javier

3 views0 comments

Comments


bottom of page