BACOOR, CAVITE — Ngayong araw, Nobyembre 1, opisyal nang inilabas ang anunsyo ng City Government of Bacoor sa gaganaping pagbabakuna para sa mga kabataang edad 12-17.
Ayon sa City Government of Bacoor, tanging Moderna at Pfizer lamang ang pinahihintulutang gamitin para sa Pediatric A3 Population. Ang dalawang nasabing bakuna ay mayroong Emergency Use Authorization (EUA) mula sa Philippine Food and Drug Administration (FDA).
Pinaalalahanan naman ng City Government of Bacoor na kinakailangan muna na magparehistro sa ceir.bacoor.ph bago makatanggap ng iskedyul ng pagbabakuna.
Dagdag pa rito, ang pagdadala ng mga kaukulang dokumento na nagpapatunay ng relasyon ng bata sa magulang o guardian, ay mahigpit na kinakailangan.
Para naman sa mga batang may comorbidity, kinakailangang magdala ng medical certificate mula sa pediatrician o physician kung saan nakasaad ang mga detalye ng kanilang karamdaman o kondisyon na maaari silang mabakunahan.
Isinaad din ng nasabing post na nararapat magdala ng orihinal na kopya ng kanilang birth certificate, ngunit kung ang bata ay wala nito, makakatanggap pa rin siya ng bakuna kung makapagbibigay ng isa sa mga sekondaryang dokumento o government I.D bilang patunay gaya ng mga sumusunod:
• authenticated medical certificate of child with name of parent/s issued by the hospital or DOH
• Baptismal Certificate of child with name of parent/s
• PhilHealth, Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS) form indicating that the child is a beneficiary and a child of the parent
• copies of insurance policies, health card membership, life plan, memorial plan and similar policies indicating that the child is beneficiary and a child of the parent
• Barangay Clearance issued by the barangay captain, attesting to the affiliation of parent and child
• solo parent I.D Card with name of child
• Court Decree of Adoption, incase the child is adopted
Kung ang bata naman ay sasamahan ng guardian, kinakailangang magdala nang isa sa mga dokumentong inihain:
• Affidavit of Guardianship executed by the guardian
• Court Decree or order of guardian, or letter of guardianship issued by a family court
• Affidavit of Kinship
• PWD I.D of child, with name of guardian
• Baptismal Certificate of child with name of guardian
• school record of child with name of guardian
• Barangay Clearance issued by the barangay captain, attesting to the affiliation of parent and child.
Sanggunian: City Government of Bacoor Official Facebook page
Kuha ang larawan mula sa ABS-CBN News
Ibinalita ni: Jessica Carpina
Comments