top of page
Writer's pictureThe Cavite Beam Gazette

PLANONG PAGPAPALIT PANGALAN NG FACEBOOK, INILANTAD NG THE VERGE

Nitong Oktubre 19, iniulat ng Verge ang planong pagbibigay ng bagong pangalan sa pamosong social media application na Facebook sa susunod na linggo.


Ayon sa Verge, plano ni Facebook CEO Mark Zuckerberg na pag-usapan ang tungkol sa nasabing pagbabago sa taunang kumperensya ng kumpanya na gaganapin ngayon ika-28 ng Oktubre.



Bilang tugon, sinabi ng Facebook na hindi ito nagbibigay komento sa mga "tsismis o haka-haka."


Ang balita ay lumabas noong oras kung kailan nahaharap ang kumpanya sa pagsusuri ng gobyerno ng Estados Unidos.


Dadag pa ng Verge, mapapasailalim sa isang kumpanya ang Facebook kapag nagrebrand ito, kasama ang iba pang social media applications tulad ng Instagram, WhatsApp, Oculus at marami pang iba.


Batay sa ulat, ang nasabing pagrerebrand ng app ay sasalaminin ang pagbuo ng tinatawag na metaverse, isang mundo kung saan ang mga tao ay maaaaring gumamit ng iba't ibang mga aparatong pang-teknolohiya upang makipag-usap sa birtwal na kapaligiran.


Noong Martes din, inihayag nito ang plano na lumikha ng 10,000 trabaho sa European Union (EU) sa susunod na limang taon upang matulungan ang pagbuo ng metaverse.


Ayon pa sa Verge, ang isang posibleng pangalan ng kumpanya ay maaaring may kinalaman sa Horizon. Matatandaang kamakailan lamang, pinalitan ng Facebook ang pangalan ng in-development VR gaming platform at ito'y naging 'Horizon'.



Source: GMA Network Photo Credits: GMA Network


Ibinalita ni: Jamine Jamito

1 view0 comments

Comments


bottom of page